^

Bansa

IBP, LENTE handa na sa 2022 polls

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang malalaking organisasyon ang nagkapit-kamay para aktibong isulong ang kanilang pinagsanib na adhikain upang tiyakin ang malinis, maayos at tapat na halalang lokal at nasyunal sa susunod na taon.

Ang kooperasyon ay pormal na isinagawa sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), na siyang mandatory organization ng mga abogado sa bansa at ang cause-oriented group na Legal Network for Truthful Elections (LENTE).

“Tutulong ang IBP para turuan ang publiko sa iba’t ibang batas sa eleksyon, mga isyu at mga proseso. Sa pamamagitan ng aming regional chapter at legal aid office, umaasa ka­ming makakapagsampa ng kaso laban sa mga lumalabag sa election law upang magsilbing halimbawa at babala sa mga lalabag pa,” pahayag ni IBP national president Burt Estrada.

Sinabi naman ni dating IBP national president at LENTE original convenor na si Jose Vicente Salazar na excited na siya sa pagtatambalan ng dalawang national association, lalo na ngayong nasa kritikal na yugto ng kasaysayan ang bansa kaugnay ng nalalapit na eleksyon sa Mayo 9, 2022.

Sinabi naman ni LENTE founding chairman Christian Monsod may mahalagang papel ang mga abogado at mga law student para tiyakin na mananaig ang mga batas at maririnig ang boses ng taumbayan lalo na ang mga maliliit at mahihinang sector.

Si Monsod ay dating chairman ng Commission on Elections at isa sa mga organizer ng National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel).

Para naman kay LENTE executive director Ona Caritos, ang partnership ng mga legal professionals at iba pang stakeholders na kinabibilangan ng publiko ay napakahalaga para makamit ang tunay na 2022 election.

 

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with