^

Bansa

Robredo hinimok bawiin 'suporta sa mandato' ng NTF-ELCAC bago 2022

James Relativo - Philstar.com
Robredo hinimok bawiin 'suporta sa mandato' ng NTF-ELCAC bago 2022
Vice President Leni Robredo speaks with reporters at the Quezon City Reception House on October 10, 2021.
Philstar.com / Xave Gregorio

MANILA, Philippines — Hinamon ng sari-saring grupo ang isang 2022 presidential aspirant na bawiin ang kanyang suportang ipinakikita sa layunin ng kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) — isang ahensyang dawit sa red-tagging ng mga indibidwal at ligal na aktibistang grupo.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang magpakita si Bise Presidente Leni Robredo ng suporta sa functions ng anti-communist task force na iniuugnay sa harassment ng mga kritiko ng administrasyon. Ito'y kahit dati siyang nananawagang lusawin ito.

"The NTF-ELCAC is among the main instruments of [President Rodrigo] Duterte’s state terrorism. With [Robredo's] sudden pivot in favor of the NTF-ELCAC, Vice President Robredo is at the risk of carrying the same brand of fascism of Duterte whom many people see as her antithesis," ani PAMALAKAYA chair Fernando Hicap, Lunes.

"Our demand is to abolish the NTF-ELCAC, and there will be no compromise."

Ang PAMALAKAYA ay kaalyado ng Bagong Alyasang Makabayan, o BAYAN, na bahagi ng oposisyon ngunit hindi pa lantarang nagdedeklara ng suporta sa kahit sinong kandidato sa pagkapangulo sa 2022. 

Paratang ng militanteng grupo ng mga mangingisda, nasa likod ang regional formations ng NTF-ELCAC sa pang-aaresto at pagpatay sa kanilang mga miyembro at lider. Kasama na raw dito ang patuloy na "'di makatarungang" pagkakakulong ng isang PAMALAKAYA regional chairperson na si Elwin Mangampo.

Una nang sinabi ni Robredo na bagama't suportado niya ang mandato ng naturang task force para matigil ang armadong rebelyon ng New People's Army (NPA), mali raw ang pagiging "careless" ng ilang miyembro nito na nagbibigay ng masamang imahe sa NTF-ELCAC.

"We want to remind Robredo that the issue here is not only the problematic officials of the NTF-ELCAC, but the entire body’s ultimate goal of killing the already shrinking democratic space in the name of preserving the exploitative system and bureaucratic corruption in the military," dagdag pa ni Hicap, na dating kinatawan ng Anakpawis party-list.

"Vice President Robredo could have a change of heart and change of mind on her NTF-ELCAC stance. But expect losing support of the democratic and progressive forces in the presidential race."

Una nang ikinatuwa ng naturang grupo ang aksyon ng Senado na tapyasan ng budget sa 2022 ang NTF-ELCAC, habang idinidiing dapat na itong buwagin.

Matatandaang sinabi ni 2022 senatorial candidate na si Bayan Muna chair Neri Colmenares na palalalain lang ng NTF-ELCAC ang ugat ng armadong tunggalian kaysa sugpuin ito, bagay na matagal nang iniuugnay sa kahirapan at 'di pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Ilan sa mga dati nang ikinabit ng NTF-ELCAC sa rebeldeng komunista ang community pantries na nagsulputan sa gitna ng pandemya, pati na ang pamilya ng aktres na si Angel Locsin at Liza Soberano.

May mga grupo rin sa kampo ni Robredo, tulad ng Alliance of Labor Leaders for Leni (ALL4LENI), na nagpayo sa bise presidente na isulong ang pagkabuwag sa NTF-ELCAC. Sabi ng grupo na nagsagawa ang task force ng "red-tagging, harassment at profiling" sa mga grupong progresibo na nagsusulong ng lehitimong mga isyu ng mga Pilipino.

Ayon sa ALL4LENI, patuloy ang suporta nila kay Robredo ngunit naninindigan din sila na dapat ma-abolish ang NTF-ELCAC.

Red-tagging task force nagalak kay Robredo

Sa kabila ng kontrobersiyang kinapapalooban ni Robredo, buong pasasalamat naman ang ipinakita ni NTF-ELCAC spokesperson for Sectoral Concerns Lorraine Marie Badoy sa pahayag ng nauna.

"We thank her for standing on our shared ground of love for country and the complete defense and protection of our people from the communist scourge that, for 52 years now, has brought so much grief and destruction to our country and our people," ani Badoy nitong Linggo.

"We understand her earlier call for the abolition of this task force because of the disinformation she was given about the work we endeavor to do." 

 

 

Aniya, hindi kaiba ang "pagkakamulat" ni Robredo sa maraming Pilipino sa "kasinungalingan" ng Communist Party of the Philippines, NPA at National Democratic Front of the Philippines sa kanilang pag-iral sa mga eskwelahan at mga komunidad.

"We are grateful the Vice President stands with us in our outrage at the crimes committed by this terrorist group against our people and joins us in our fight to end what should have ended a very long time ago," dagdag pa niya.

Kilala si Badoy at iba pang NTF-ELCAC officials sa pagkakalat ng maling impormasyon, gaya na lang ng pekeng quotations ng mga lider aktibista, false claims sa ABS-CBN franchise atbp. Disyembre 2020 lang nang maghain ng administrative charges si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng task force dahil sa mga kahalintulad na reklamo.

'Mga ina biktima ng NTF-ELCAC, militarisasyon'

Ilang kababaihang magsasaka naman ngayon ang nakikiusap naman ngayon kay Robredo na itigil ang kanyang suporta sa NTF-ELCAC lalo na't maaari raw itong humantong sa pagdedeklara ng "pasismong pink." Tumutukoy ang kulay rosas sa campaign color na kanyang ginagamit sa ngayon.

"As VP Leni Robredo finally laid her support for NTF-ELCAC, peasant women in the countryside continue to decry rampant harassment, threat, red-tagging, forced surrender, and constant military presence in their communities. At present, our members in Amihan Isabela and Cagayan are seeking support against the AFP and PNP perpetrators," ani Zen Soriano, chairperson ng Amihan.

"If she continues to keep [supporting] NTF ELCAC, she is just admitting that she is a fascist, this time branded with color pink."

Ani Soriano, ilang magsasakang ina sa Tamauini, Isabela sa ngayon ang nakararanas ng takot at trauma dahil sa palagiang pagbisita ng 86rh IBPA sa kani-kanilang mga bahay at komunidad.

Mas maigi raw sa ngayong kumunsulta na lang si Robredo sa mga biktima ng human rights abuses kaysa makipagkaisa sa mga human rights violators sa dahilang nag-e-enable pa raw ng abuso ang huli.

2022 NATIONAL ELECTIONS

AMIHAN

LENI ROBREDO

LORRAINE BADOY

NTF-ELCAC

PAMALAKAYA

RED-TAGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with