_ngayon
^

Bansa

Omicron, mas matindi sa Delta variant

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Omicron, mas matindi sa Delta variant
This undated National Institute of Allergy and Infectious Diseases, NIH handout photo obtained August 1, 2021, shows a transmission electron color-enhanced micrograph of SARS-CoV-2 virus particles, isolated from a patient.
Handout / National Institutes of Health / National Institute of Allergy and Infectious Diseases / AFP

MANILA, Philippines — Itinuturing nang ‘va­riant of concern’ ang strain ng COVID-19 na natuklasan sa South Africa na pinangalanan ng World Health Organization (WHO) na Omicron.

Napaulat na sinabi ng Technical Advisory Group ng WHO na ang Omicron ay may malaking bilang ng mutation kaya ito ay nakakabahala.

Lumalabas din sa mga preliminary evidence na ang Omicron ay may mas mataas na tiyansa ng reinfection, mas mapanganib kumpara sa iba pang va­riants katulad ng Alpha, Beta, Gamma at Delta.

Ayon pa sa pahayag ng WHO Technical Advisory Group, ang kaso ng nasabing variant ay mabilis ang pagtaas sa halos lahat ng probinsiya ng South Africa.

Hinihikayat ng WHO ang mga bansa na mas paigtingin ang pagbabantay at genomic sequen­cing at iulat ang lahat ng kaso.

Napaulat na ang unang kaso ng impek­siyon na unang tinawag na B.1.1.529, ay nakita sa South Africa noong Nobyembre 9.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with