_ngayon
^

Bansa

Isko Moreno, Doc Willie ­negatibo sa drug test

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Isko Moreno, Doc Willie ­negatibo sa drug test
Presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno and his running mate Doc Willie Ong present their negative drug test results at the Philippine Drug Enforcement Agency National Office in Quezon City on Thursday.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagnegatibo sa cocaine, shabu at iba pang ilegal na droga sina Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno at vice-presidential aspirant Dr. Willie Ong nang sumailalim kahapon sa drug test sa mismong Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laboratory Service kahapon.

Matapos ang negatibong resulta, naglabas ng sertipikasyon ang PDEA na hindi gumagamit ng anumang ilegal na droga ang dalawa.

“This is one way of submitting ourselves to the proper agencies of government and kami naman, ito rin ay isang maliit naming kaparaanan ni Doc Willie na sinusuportahan ang War on Drugs ng ating Pangulong Duterte being a candidate,” ayon kay Moreno.

Nanindigan si Moreno na kahit hindi isinasaad ng batas, dapat boluntaryong isinusumite ng mga kandidato sa halalan ang mga sarili sa drug test ng mismong PDEA.

“Bakit ang ordinaryong tao nirerequire natin i-test? Kapag sila’y suspected? Bakit kapag kandidato sa Presidente, di na pwede sa PDEA? Parang double standard tayo,” ayon kay Moreno.

Bukod sa kanila ni Ong, sasailalim din umano sa drug test ang buong tiket ng Aksyon Demokratiko.  Kapag sinuwerte sa halalan, ipagpapatuloy umano niya ang giyera kontra ilegal na droga na inumpisahan si Pangulong Rodrigo Duterte.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with