_ngayon
^

Bansa

Hiling ng DOTr sa Google: Bike lane routes, isama sa Google maps

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Hiling ng DOTr sa Google: Bike lane routes, isama sa Google maps
In this photo released on June 2, 2020, cyclist group Bikers United Marshalls set up an improvised bicycle lane along Commonwealth Avenue in Quezon City.
Bikers United Marshalls Facebook page

MANILA, Philippines — Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa giant tech na Google na maisama sa popular real-time navigation app na Google Maps ang mga bike lane routes sa Pilipinas.

Sinabi ni DOTr Secretary Art Tugade na nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Google at hiniling na maisama ang mga ruta ng bike lane sa Pilipinas sa kanilang dashboard upang matulungan ang mga siklista sa kanilang daily commutes.

Ayon kay Tugade, naghihintay pa sila sa pag-apruba ng Google ngunit kumpiyansa naman aniya sila na  mapagbibigyan nito ang kanilang kahilingan, dahil ito’y tagasuporta rin ng active transport.

Nabatid na nakumpleto na ng DOTr ang kanilang 500-kilometer bike lane network sa mga metropolitan cities sa buong bansa, na kinabibilangan ng Metro Manila (313.12 kilometers), Metro Cebu (129.47 ­kilometers), at Metro Davao (54.74 ­kilometers).

Ang mga naturang bike lanes ay mayroong pavement markings, physical separators, solar-powered road studs, thermoplastic paints, road signages, at bike racks.

Ang proyekto ay pinondohan ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with