_ngayon
^

Bansa

COVID-19 sa Pinas ‘di pa kontrolado – DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 sa Pinas âdi pa kontrolado â DOH
OCTA says the COVID-19 situation in Metro Manila is unprecedented, comparing it to the situation during the last surge in July and August last year when stricter quarantine protocols were imposed.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Naninindigan ang Department of Health (DOH) na hindi pa maidedeklarang kontrolado na ang COVID-19 sa bansa sa kabila ng malaking pagbaba sa mga arawang kaso.

“We are not going to declare this soon. We are just coordinating with WHO on the process and the determinants of disease control or containment,” ayon kay Vergeire.

Kaugnay ito ng planong paghingi ng opinyon ni Secretary Francisco Duque III sa World Health Organization (WHO) kung maaari nang ideklara na kontrolado na ang pan­demya sa Pilipinas.

Sinabi ni Vergeire na base sa mga karanasan sa mga nakaraan, maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari tulad ng pagbaba ng kaso at muling pagtaas dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

“Maaring ang ating NCR, mataas na ang bakunahan dito, tapos ang ating community response has been intensified. But if we compare to other areas in the country, some of the areas in the country, mababa pa rin ang pagbabakuna,” ayon kay Vergeire.

Kailangan pa rin umanong tulungan ang ibang lokal na pamahalaan para mapataas ang kanilang pagresponde sa mga komunidad at pagdisiplina sa publiko.

Dapat din na ganap na preparado na ang ‘health system’ ng bansa para makapagdeklara na kontrolado na talaga ang sakit.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with