_ngayon
^

Bansa

Pilipinas isa sa may ­pinakamababang COVID-19 cases sa mundo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pilipinas isa sa may ­pinakamababang COVID-19 cases sa mundo
Medical workers attend to patients in a makeshift tent hospital in front of Mandaluyong City Medical Center on Aug. 13, 2021.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Kabilang na ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may pinakamababang kaso ng ­COVID-19 makaraang pumuwesto sa ika-134 ranking sa ­‘COVID-19 per million’ sa talaan ng World Health Organization (WHO).

Sa datos ng WHO nitong Nobyembre 23, nasa ika-65 puwesto ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming aktibong kaso; ika-120 puwesto sa ‘COVID-19 deaths per million’; at ika-93 sa ‘case fatality rate’.

Ayon sa Department of Health (DOH), malaki ang itinalon ng mga numero ng Pilipinas makaraang matapos ang ‘peak’ ng mga kaso nitong Setyembre 2021.

Sa sariling datos ng DOH, naitala na lamang sa ‘negative 49%’ ang ‘two-week growth rate (TWGR)’ sa bansa habang ang ‘average daily attack rate’ ay nasa 1.55 cases per 100,000 population.

Sa 121 lalawigan, mauunlad na lungsod at indipindienteng siyudad sa bansa, 89% nito ay nasa Alert Level 2 habang ang mga nalalabi ay nasa Alert Level 3 at isang probinsya na lamang ang nasa Alert Level 4.

“Sa kabila ng limitadong kapasidad ng health system, nagawa namin na maabot ang mas maayos na health outcomes dahil sa ‘whole-0f-nation approach’,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III na iniaalay umano ang tagumpay kontra COVID-19 sa mga healthcare workers na nagsakripisyo at ipinain ang sariling kalusugan para pangalagaan ang mga Pilipino.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with