_ngayon
^

Bansa

Operators ng PUV ipatatawag kapag ipinambili ng ibang bagay ang fuel subsidy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatatawag ang mga ­operators ng public ­utility vehicle (PUV) kapag nadiskubre na ipinambili ng ibang bagay maliban sa krudo ang fuel subsidy para sa mga tsuper.

Sinabi ni National Capital Region Director Zona Russet Tamayo na ang partikular na  tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga drivers ay para lamang sa pagbili ng krudo o gasolina.

Hindi aniya ­maaaring i-withdraw ang pera sa ATM para ipambili ng ibang gamit.

Bagaman at hindi binanggit ni Tamayo kung anong parusa ang ipapataw sa hindi susunod sa panuntunan tungkol sa paggamit ng fuel subsidy, tiniyak ni Tamayo na ipatatawag ang mga operators.

Nakatitiyak si Tamayo na ire-report sa kanila ng Land Bank of the ­Philippines sakaling may mamo-monitor silang transaksiyon sa isang account.

PUV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with