_ngayon
^

Bansa

Hanay ng magsasaka giit palakasin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si senatorial candidate at human rights lawyer Chel ­Diokno na hindi sapat ang ­agrarian reform lang para mapaangat ang buhay ng ating mga magsasaka.

Ayon kay Diokno, dapat gumawa pa ng pagkilos ang pamahalaan upang mapalakas ang hanay ng mga magsasaka.

Aniya, walang boses ang sektor ng mga magsasaka at hindi sila kinikilala bilang bahagi ng ating ekonomiya kahit napakalaki ng papel na kanilang ginagampanan sa ating lipunan.

Nais ding malaman ni Diokno kung nakikinabang nga ba ang mga magsasaka sa pondong inilaan ng Rice Tariffication Law para sa kanila.

Para kay Diokno, dapat masiguro na napupunta at napapakinabangan ng mga magsasaka ang pondong nakalaan sa kanila sa ilalim ng batas.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, bibigyan ng P10 bilyong pondo kada taon ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na magpapalakas sa kapasidad ng mga magsasaka.

Kabilang sa RCEF ang pagbibigay sa mga magsasaka ng kailangan nilang makinarya at iba pang uri ng tulong para mapalaki ang kanilang ani.

DIOKNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with