_ngayon
^

Bansa

Salceda kinilala na natatanging mambabatas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Igagawad ng ‘Federation of Indian Chambers of Commerce Inc., Philippines’ (FICCI-PH) ang pinakamataas nitong parangal na “Golden Peacock Award of Excellence” kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, bilang pagkilala sa “Exemplary Leadership, Dedication and Vision” o Natatanging Pamumuno, Dedikasyon at Pananaw ng mambabatas.

Ang FICCI ay isang samahan ng mga pribadong negosyante sa India na itinatag noong 1927. Isinusulong ng FICCI-PH ang marangal na Filipino-Indian business community, ang malakas na kapatiran ng mga kasapi nito, at ang masiglang ugnayan sa negosyo ng Pilipinas at India.

Ang Golden Peacock Awards naman na 30 taon na ngayon ay itinuturing na mahusay at kapani-paniwalang pamantayan ng ‘global excellence’ sa mundo.

Kandidato ngayon si Salceda sa pangatlong termino niya bilang Kinatawan sa Kamara ng distrito niya na sumasaklaw sa Legazpi City, ang ‘regional center’ ng Bikol. Naging siyam na taong gubernador ng Albay hanggang 2016. Isang kilalang ekonomista, itinuring siyang ‘Asia’s best stock market analyst’ bago siya pumalaot sa pulitika.

Ilan sa mga inakda niya na itinuturing na ‘landmark legislations’ ng Kongreso ang ‘Tax Reform for Acceleration and Inclusion’ (TRAIN Law) na nagpapataw ng higit na mataas na buwis kaysa mahihirap; Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, na nagbaba sa mga ‘corporate income taxes’ ng mga korporasyon upang akitin ang mga mamumuhunan, lalo na ang mga dayuhang kapitalista; ‘Universal Access to Quality Tertiary Education Act (R.A.10931) o ‘Free Tuition Law of 2017’ at marami pa.

JOEY SALCEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with