^

Bansa

Pulis na may koneksiyon sa mga kandidato, ililipat ng puwesto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis na may koneksiyon sa mga kandidato, ililipat ng puwesto
Ililipat ang mga pulis upang hindi maka impluwensiya sa lugar ng mga pulitiko.
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos na ipalilipat niya ang mga pulis na may koneksiyon sa mga kandidato sa 2022 elections.

Ayon kay Carlos, ang kanilang desisyon ay upang maiwasang magamit bilang personal bodyguards ng mga pulitiko.

Tututukan aniya nila ang mga pulis na hindi awtorisadong maging bodyguards ng mga local at national candidate kasabay ng kanilang kampanya laban sa pagkalat ng illegal firearms.

Ililipat ang mga pulis upang hindi maka impluwensiya sa lugar ng mga pulitiko.

Tiniyak ni Carlos sa publiko na hindi kukunsintihin ng PNP ang pagkakasangkot ng mga pulis sa mga private armed sa panahon ng halalan.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10728, kailangan munang kumuha ng Comelec approval sa pamamagitan ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns ang sinumang sibilyan o kandidato upang payagang magkaroon ng bodyguards.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with