^

Bansa

2 bangka ng Pinas hinarang, tinira ng water cannon ng Chinese Coast Guard

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 bangka ng Pinas hinarang, tinira ng water cannon ng Chinese Coast Guard
Locsin hits abuse of nature at climate summit
Philippine News Agency

MANILA, Philippines — Hinarang at binomba ng water cannon ng tatlong Chinese Coast Guard vessels ang dalawang bangka ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa Ayungin Shoal.

Base sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang naturang bangka ay magdadala sana ng food supplies sa military personnel sa naturang lugar noong Nobyembre 16.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., masuwerte naman na walang nasaktan sa mga sakay ng nasabing bangka subalit hindi na nila itinuloy ang resupply mission.

Tinawag naman ni Locsin na illegal ang ginawa ng China dahil ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Pilipinas at nasa loob ito ng exclusive economic zones at continental shelf.

Ipinaalam na rin umano ng DFA kay Chinese Ambassador Huang Xilian at sa Mi­nistry of Foreign Affairs sa Beijing ang nasabing insidente kasabay ng pagkondena sa pagharang at pambo­bomba ng water cannon ng Chinese vessels.

Iginiit pa ni Locsin na ang insidente ay banta sa Philippines-China relations.

“The Philippines will continue to provide supplies to our troops in Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal). We do not ask permission to do what we need to do in our territory,” giit pa ng kalihim.

COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with