^

Bansa

Duterte naghain ng COC sa pagka-senador sa 2022

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Hindi makakalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak sa posisyon ng ikalawang pangulo sa susunod na eleksyong 2022.

Lunes nang maghain ng certificate of candidacy (COC) para kay Digong ang abogadong si Melchor Melchor Jaemond Aranas sa pagkasenador sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan, kung saan papalitan niya bilang "substitute" si Monaliza Visorde.

Kinumpirma na rin ito PDP-Laban secretary general Melvin Matibag sa mga reporters: "PRRD will run for Senator under the political party PDDS," ani Matibag.

"PRRD will substitute Mona Liza Visorde."

Nangyayari ito kahit una nang sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na maghahain ng kandidatura si Digong sa pagkabise laban kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kanina lang din nang sabihin ni outgoing presidential spokesperson Harry Roque na hindi magkakatunggali ang mag-ama sa parehong posisyon sa 2022.

"Ang masasabi ko lang po, nagmamahalan po ang mag-amang Rodrigo Roaq Duterte at Mayor Inday Sara," ani Roque kanina sa media ngayong nakapaghain din siya ng COC sa pagkasenador.

"Hinding-hindi po sila magbabanggaan, hinding-hindi po sila maglalabanan sa kahit na anong posisyon."

Natataon ang lahat ng ito sa huling araw ng filing ng "substitution" para sa 2022 national elections. Matatandaang naging substitute candidate din si Digong bago manalo sa pagkapangulo noong 2016.

"The PDP Laban - PDDS Alliance is further strengthened by President Duterte’s decision to file his COC for Senator," wika pa ni Matibag sa isang pahayag.

"PDP Laban fully supports President Duterte. Him using the PDDS CONA is a strategic decision." — may mga ulat mula sa News5

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE-CARPIO

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with