Comelec: Nagbasura na kami ng kandidatura noon dahil sa 'material misrepresentation'

MANILA, Philippines — Dati nang may natanggal sa electoral race dahil sa pagsisinungaling sa ilang dokumento, paliwanag ng Commission on Elections (Comelec) sa media ngayong araw.
Sari-saring petisyon kasi ang nakahain ngayon sa Comelec para ikansela ang presidential bid ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil sa "false representation" daw sa kanyang certificate of candidacy kaugnay ng conviction sa isang tax case noong 1995.
"There has been cancellations [of COCs] for material misrepresentation before," wika ni Comelec spokesperson James Jimenez sa panayam ng ANC, Huwebes.
"But again, speaking [in] this particular case [of Marcos], I cannot give any insight into that as I do not remember whether that [non-filing of income tax returns] has been a ground in any past case.
Sa kabila nito, hindi matiyak ni Jimenez kung meron nang kandidaturang naibasura matapos hindi makapaghain ng ITR at mahatulang guilty rito ng korte, bagay na nangyari noon kay Marcos, na anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ang petition to cancel or deny due course the certificate of candidacy laban kay Bongbong ay inihain noong ika-2 ng Nobyembre alinsunod sa Section 78 ng Omnibus Election Code dahil sa diumano'y paglabag sa Section 74, Article IX nito.
Dahil sa convicted na raw si Marcos dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC), "perpetually disqualified" na raw dapat si Bongbong sa pagtangan ng anumang public office, bawal na bumoto o makilahok sa anumang eleksyon.
"As far as administrative process goes, it probably takes about two to three weeks, but how long the decision will take to come out, there is no timetable for that," banggit pa ni Jimenez.
"In theory, it can take as long as it takes; in practice, it usually gets results fairly quickly."
Nadagdagan pa kamakailan ng grupo ng 10 propesyunal ang mga nagnanais maikansela ang kandidatura ng dating senador, na kasalukuyang pinupuntirya ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa 2022.
Pwedeng-pwede pa rin naman daw maapela ang Comelec en banc ang anumang ruling na ilalabas ng dibisyon ng komisyon.
Bakit pinayagang tumakbo noon si Marcos kung ganun?
Bagama't inisasantabi ni Marcos bilang "nuisance" petisyon ang mga reklamo sa kanya sa poll body lalo na't pinayagan naman siyang tumakbo sa mga nakaraang halalan, ipinaliwanag ng Comelec na pwedeng-pwede pa ring maglagay ng panibagong hamon sa kandidatura ng kontrobersyal na figure.
"The idea there you see is that everyone has the opportunity to challenge a previous ruling . Even the Supreme Court deals with challenges to their jurisprudence," patuloy ni Jimenez.
"So if someone feels that they have a new cause of action, or someone feels that new reason to seek disqualification or maybe disagree with revious ruling, then everyone is well within their rights to seek relief from the Comelec."
Sa kanila nito, iginigiit pa rin ni Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Bongbong, na talagang "nuisance" lang kung tignan ang nasabing petisyon kahit ng mga "legal experts" mula sa Ateneo at Unibersidad ng Sto. Tomas. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag
- Latest