_ngayon
^

Bansa

Metro Manila pwedeng ­maibaba sa alert level 1 – DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila pwedeng ­maibaba sa alert level 1 â DOH
Vehicle congestion as seen on Monday morning, Nov. 8, 2021 in Quezon City along EDSA, a major thoroughfare crossing cities of Metro Manila after the national pandemic task force IATF deescalated health restrictions in the region to Alert Level 2.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — May posibilidad na ilagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila kung bababa pa sa 1,000 ang arawang bagong kaso ng COVID-19.

“Kung ang datos ay patuloy namang bumababa… posible na kapag below 1,000 tayo or 500 [cases] per day, baka puwede nating ibaba pa ng Alert Level 1,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III sa public briefing kahapon.

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang Nobyembre 21 kung kailan magdedesisyon muli kung pananatilihin ito o babaguhin na.

“Sino ba naman ang may ayaw na mas mababa ang ating alert level, e mas malaking bahagi naman ng ekonomiya ang ating mabubuksan at mas marami tayong mababawing trabaho na nawala,” saad pa ng kalihim.

Sa kabila nito, nagpahayag ng pagkaalarma si Duque sa naglalabasang mga larawan ng siksikan ng mga tao at hindi pagsunod sa ‘minimum public health protocols’.

“Siyempre nakakaalarma ito. Nangangamba ako dahil nga ‘pag iyong nagkukumpol-kumpulan, posibleng makakita na naman tayo ng pagsipa ng mga kaso at dapat po ito maiwasan natin,” giit ni Duque.

Upang tuluyang bumaba ang Alert Level sa Metro Manila, muling nanawagan si Duque sa publiko na pairalin ang disiplina at sundin ang ipinapayo ng mga eksperto na physical distancing, paghuhugas palagi ng kamay at tamang pagsusuot ng face mask.

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with