^

Bansa

'Vote buying' mawawala sa pagsugpo ng gutom, political dynasties — Ka Leody

Philstar.com
'Vote buying' mawawala sa pagsugpo ng gutom, political dynasties â Ka Leody
Makikita sa file photo na ito ang perang hawak ng mga kaboboto lang sa eleksyon. Makikitang may marka na sa daliri ang mga nabanggit na tanda ng mga nakapag-cast na ng balota.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Humihingi ngayon ng repormang elektoral at pulitikal ang isang standard bearer sa susunod na halalan para mapigilan ang pagbili at pagbenta ng boto ng mga kumakandidato.

Ito ang tugon ni Partido Lakas ng Masa 2022 presidential candidate Ka Leody de Guzman sa payo ng makakaharap na si Bise Presidente Leni Robredo na "tanggapin ang suhol sa eleksyon" habang binoboto ang nais. Ang nabanggit ay kinastigo ng Commission on Elections, Miyerkules.

"Mangyayari ang direct at indirect vote buying habang gutom ang masa at walang mapagpiliang kandidato kundi mga bilyonaryo o mula sa political dynasty," ani De Guzman sa isang pahayag kanina.

"Repormahin ang pampulitika at elektoral na sistema laban sa vote buying at patronage politics. Buwagin ang mga political dynasty at isulong ang direktang partisipasyon ng masa sa paggugubyerno."

Iligal sa ilalim ng Batas Pambansa 881 series of 1985 ang parehong "vote buying" at "vote selling," o pagbili at pagbebenta ng boto kapalit ng pera o anumang bagay na may halaga.

May kaukulang kulong na maaaring umabot ng anim na taon ang mga lumalabag sa kahit na anong election offense, habang maaaring ma-disqualify sa paghawak ng anumang public office ast tanggalan ng karapatan bumoto ang guilty party.

Gayunpaman, kinikilala ni De Guzman na dito kumakapit ang "desperadong masa" na siyang pinagsasamantalahan daw ng mayayamang kumakandidato.

Maliban sa pagbubuwag ng political dynasties, ilan sa mga plataporma ni De Guzman ang pagbubuwag ng kontraktwalisasyon at pagpapababa ng singil ng kuryente sa pamamagitan ng renewal energy — bagay na mapapakinabangan daw nang mahihirap at mga negosyo.

Comelec: Di dapat ginagawa o sinusulsulan

Martes lang nang sabihin ni Robredo na mali ang pagbili ng boto. Sa kabila nito, sinasabihan niya ang mga nakararanas nito na tanggapin ang pera sa tuwing nararanasan ito. 

"Parati kong sinasabi tanggapin niyo kasi galing rin naman ‘yan sa atin. ‘Yung pinambibili ng boto, pera din naman ‘yan ng taongbayan," sambit niya sa isang forum na nilahukan ng mga kasambahay.

"‘Wag kang boboto dahil pakiramdam mo mayroon kang utang na loob kasi tinanggap mo. ‘Di ba? ‘Yung sa akin, tanggapin ang pera, pero iboto sa konsensiya."

Matapos itong banggitin ni Robredo, isang independent presidential candidate, nagbigay ng babala si Comelec spokesperson James Jimenez habang idinidiin na hindi dapat hinihikayat ang publikong gawin ito. 

Ani Jimenez, labag pa rin ito sa batas kahit na "noble" at "prinsipyado" ang pinanggagalingan.

"I disagree with the notion of taking the money and voting according to your conscience. Vote buying is an election offense regardless of financial situation or noble intentions," wika ni Comelec spokesperson James Jimenez, Miyerkules.

"'Di dapat ginagawa, at di dapat sina-suggest yan sa mga botante." 

— James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

LENI ROBREDO

LEODY DE GUZMAN

VOTE BUYING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with