Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sumampa na sa 2.76-M katao
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,405 bagong infection ng coronavirus disease, Biyernes, kung kaya nasa 2,761,307 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 2,761,307
- nagpapagaling pa: 57,763, o 2.1% ng total infections
- bagong recover: 7,561, dahilan para maging 2,661,602 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 149, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 41,942
Booster dose, dagdag na COVID-19 vaccine dose
-
Aprubado na ng DOH ang pagbibigay ng ikatlong COVID-19 vaccine dose at booster shot laban sa virus sa Pilipinas para sa ilang sektor. Gayunpaman, kailangan pa ng emergency use authorization mula sa FDA bago ito maiturok.
-
Dumating naman ng Pilipinas 3 milyong karagdagang doses ng Sinovac COVID-19 vaccines nitong Linggo, bagay na binubuo ng suplay na kinuha ng bansa at mga donasyon mula Beijing.
-
Inilagay naman na ang Pilipinas sa "low-risk classification" matapos makapagtala ng pagbaba sa bilang ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina.
-
Nakakuha naman na ng kumpletong COVID-19 doses ang nasa 25.51 milyong katao sa Pilipinas simula nang umarangkada ito nitong Marso. Bahagi lang 'yan ng kabuuang 55.71 bakunang naiturok sa bansa ngayon.
-
Umabot na sa 242.34 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.92 milyong katao.
— James Relativo
- Latest