_ngayon
^

Bansa

Halos 8 milyon sa NCR fully vaccinated na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Halos 8 milyon sa NCR fully vaccinated na
Kahapon, umarangkada na rin ang pagbabakuna ng ibat ibang local gov’t units sa NCR gamit ang Pfizer.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Fully vaccinated na ang may 7.9 milyong Pilipino kontra Covid-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang naturang bilang ay may 81.4 percent ng eligible population sa rehiyon.

Anya, may 9.1 milyong Pinoy sa NCR ay tumanggap na ng unang bakuna.

Kahapon, umarangkada na rin ang pagbabakuna ng ibat ibang local gov’t units sa NCR gamit ang Pfizer.

Samantala, iniulat naman ng Commission on Higher Education (CHED) na may 27 percent ng mga mag-aaral sa kolehiyo nationwide  ay nabakunahan na.

Sinabi ni CHED Chief Prospero de Vera, target nila na mabakunahan ang lahat ng mag-aaral sa kolehiyo upang ligtas na mabuksan ang limited face-to-face classes  sa iba pang degree programs.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with