^

Bansa

Isko Moreno, Walden Bello kinastigo presidential bet

James Relativo - Philstar.com
Isko Moreno, Walden Bello kinastigo presidential bet
File photos nina Partido Lakas ng Masa vice presidential candidate Walden Bello (kaliwa) at presidential candidate Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso
AFP / Jay Directo, File; Pangmasa, File

MANILA, Philippines — Binanatan ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos, na makakalaban niya sa parehong posisyon ng pagkapangulo, sa pangongopya diumano ng plataporma sa energy sector.

Ilang oras matapos ilathala ni Domagoso ang plano niyang tapyasan ng 50% ang excise tax sa petryolyo para makontrol ang resyo ng mga serbisyo't bilihin, bigla raw nanawagan si Marcos sa Konggreso na isuspindi ang naturang mga buwis sa langis.

"There is no doubt that Marcos committed 'idea theft' from Mayor Isko. This is similar to a rich kid from Forbes Park stealing the 'term paper' of a poor but smart kid from the slums of Tondo," wika ng kampo ni Domagoso, Huwebes.

"It seems that thievery and fakery is in the blood of the Marcoses. Fake war medals of Senior. Fake diploma from Stanford of Junior."

Ngayong linggo lang nang magpatupad ng oil price hike sa bansa sa ikawalong sunod na linggo. Sa kabila ng lahat ng ito, maaaring makaapekto sa government revenue (kita ng gobyerno) ang pagbabawas at pagsuspindi ng naturang excise tax.

Murahan ng mga kandidato

Kahit na umeere nang live sa telebisyon, hindi naman napigilan ng isang kandidato sa pagkapangalawang pangulo na pagmumurahin si Marcos dahil sa kasaysayan ng kanilang pamilya sa larangan ng pulitika.

Pinakawalan ni Laban ng Masa chairperson at Partido Lakas ng Masa vice presidential candidate Walden Bello ang maaanghang na salita laban kay Bongbong habang ini-interview ng ANC kahapon.

"These guys are jokers, especially the biggest joke of all si kwan, si [Bongbong] Marcos," banggit ni Bello habang binabanatan ang ilang tumatakbong standard bearers sa susunod na taon.

"This is a family that has raped the country. It has not apologized to the country and he now wants to rape the country again. Fuck you, Marcos!"

Kilalang aktibista si Bello noong panahon pa ng Martial Law ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos, na ama ni Bongbong. Si Macoy ay nasa Guiness World Records para sa "Greatest robbery of a Government" dahil sa pagkamal diumano ng $5-10 bilyong halaga ng kaban ng bayan.

Bilang dating kinatawan ng Akbayan party-list sa Kamara, isa si Bello sa mga nag-akda ng batas gaya ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 na siyang nagbibigay ng danyos perwisyos sa libu-libong human rights victims ng rehimeng Marcos, bagay na sinource mula sa mga nakaw na yamang nabawi sa Swiss banks.

"Yes, I said 'Fuck you, Marcos' on primetime TV. No, I do not regret it," paliwanag kagabi ni Bello, running mate ni Ka Leody de Guzman, sa isang tweet.

'Bakit ako magso-sorry?'

Taong 2015 nang sabihin ni Bongbong na "wala" siyang dapat ipaghingi ng tawad kaugnay ng panunungkulan ng kanyang ama sa isang hiwalay na panayam ng ANC.

"Kung meron akong sinaktan, I will always say sorry, but what I've been guilty of to apologize about?" wika niya.

"Will I say sorry for the thousands and thousands of kilometers that were built? Will I say sorry for the agricultural policy that brought us to self-sufficiency in rice? Will I say sorry for the power generation? Will I say sorry for the highest literacy rate in Asia? What am I to say sorry about?"

Dagdag niya pa, humihingi naman sila ng tawad kung sa tingin ng iba ay may nasagasaan ang kanyang tatay, hindi natulungan o na-"victimize."

Ilang araw pa lang nang sabihin ni PDP-Laban presidential candidate Ronald "Bato" dela Rosa na dapat niyang i-"acknowledge" kung may kamailan ang kanyang tatay, pero hindi raw siya dapat humingi ng tawad sa kanyang bahagi.

"[A]ng kasalanan ng tatay ay hindi naman siguro kasalanan ng anak," ani Bato, na dating nanguna sa madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang PNP chief.

"That’s fair enough na sabihin natin ni-recognize nya na may ill-gotten wealth. Pero kung mag-sorry and apologize for the mistakes of his dad, kawawa naman."

Wala pa namang pahayag si Bongbong pagdating sa mga banat nina Bello at Isko.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS

HUMAN RIGHTS

ILL-GOTTEN WEALTH

MARTIAL LAW

WALDEN BELLO

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with