_ngayon
^

Bansa

Hawaan ng COVID-19 sa NCR sumadsad na sa 0.47

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hawaan ng COVID-19 sa NCR sumadsad na sa 0.47
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, bukod sa pagbaba ng hawaan ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ay patuloy din ang pagbaba ng kaso sa buong bansa.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbaba ng hawaan ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umaabot na lamang  sa 0.47 at inaasahang bababa pa hanggang sa matapos ang buwan ng Oktubre.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, bukod sa pagbaba ng hawaan ng  kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ay patuloy din ang pagbaba ng kaso sa buong bansa.

Anya, ang 7-day average sa Pilipinas ay 6,416 samantalang sa National Capital Region ay 1,156. Umaabot naman sa  0.55 ang reproduction number ng COVID sa buong bansa.

Ang reproduction number ay bilang ng mga tao na nahahawaan ng isang infected sa COVID.

Kapag ang reproduction number ay mababa sa 1 ay indikasyon ito na ang hawaan ay bumabagal.

OCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with