^

Bansa

'Renewable energy' itutulak ng 2022 presidential candidate para mapamura kuryente

Philstar.com
'Renewable energy' itutulak ng 2022 presidential candidate para mapamura kuryente
Employees check the 2,914 solar panels on the rooftop of SM CIty Trece Martires, Cavite in 2017
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Para mapahupa ang nakalululang presyo ng kuryenteng umiiral sa bansa, isinusulong ngayon ng isang kandidato sa pagkapresidente ang pagshi-shift ng focus patungong "renewable energy."

Ilan sa mga tinitignan ngayon ni Ka Leody de Guzman, presidential candidate ng Partido Lakas ng Masa, ang pag-source ng kuryente mula sa araw, hangin, atbp.

"Parating reklamo ng masa, kahit ng negosyo, ang mataas na singil sa kuryente. Mahal ang kuryente dahil ang materyales para gawin ito ay inaangkat pa sa ibang bansa kaya apektado ng paggalaw ng presyo sa world market at sa palitan ng piso kontra dolyar," wika ni De Guzman sa isang pahayag, Huwebes.

"Libre ang pinagmumulan ng renewable energy gaya ng sikat ng araw at lakas ng hangin. Maraming bilyonaryo ang kumikita sa maruming kuryente kaya nila pinipigilan ang mas malinis at murang teknolohiya."

Ngayong Oktubre lang nang muling sumipa ang singil sa kuryente ng Meralco, ang pinakamalaking power distributor sa bansa, ng P0.0283 per kWh para sa mga tipikal na pamamahay.

Lagi't laging nasa diskusyon ang Pilipinas pagdating sa mga bansang may pinakamahal na kuryente sa buong Southeast Asia, maliban sa pag-asa nito primarya sa mga kontrobersyal na energy sources gaya ng coal.

Malaki ang impact ng coal sa kalikasan bilang pinaka-"carbon intensive fossil fuel" na maaaring sunugin, ayon sa Natural Resources Defense Council.

Sa ulat ng International Energy Agency’s (IEA) sa World Energy Outlook 2020, napag-alamang solar power na ang pinakamurang kuryente sa buong mundo, na gumagamit na raw ngayon ng teknolohiyang "mas mura kaysa coal at gas" sa karamihan ng bansa sa mundo.

"Itulak ng gobyerno ang renewable energy. Maaring ilagay sa Building Code, na may solar panel ang lahat ng itinatayong bagong building. Magpa-utang ang PAG-IBIG, SSS, o GSIS sa mababang interes sa maglalagay ng solar panel sa kanilang kabahayan," wika pa ng sosyalistang kandidato sa pagkapangulo.

"Ayusin ang net metering para ang sobrang kuryente ng mga may solar panel ay naibabalik at nabebenta nila sa sentralisadong power grid. Pwede ring magtatag ng microgrids ang mga pamayanan."

Kinastigo rin ni De Guzman ang patuloy na pag-iral ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), kung saan "walang talo" diumano ang mga bilyunaryo.

Bumibili aniya ng mahal na energy source ngunit garantisado para rin ang kita sa pagbebenta ng kuryente.

"Papatungan ng mga distributor tulad ng MERALCO, at ipapasa sa konsyumer lahat ng kanilang gastusin. Kawawa ang ordinaryong konsyumer pag hindi makabayad. Mabilis ang disconnection, hindi na pwedeng mag-work from home  at hindi makapag-online class ang mga anak," panapos ni De Guzman.

Bahagi si Ka Leody ng Power for People Coalition bilang chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino. Koalisyon ito ng mga civil society organizations na nagtutulak ng mas mababang presyo sa kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy. — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

ELECTRICITY

LEODY DE GUZMAN

RENEWABLE ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with