_ngayon
^

Bansa

30 barangay na kumawala sa kamay ng NPA, pagkakalooban ng 72 proyekto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 72 proyekto ng pamahalaan ang maipagkakaloob sa 30 barangay sa Calabarzon na ngayon ay malaya na sa impluwensiya ng rebeldeng NPA.

Ayon kay National Security Adviser at Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Hermogenes Esperon Jr., 35 local government units sa Region IV-A ang nagsumite na ng resolusyon na nagpapakita ng suporta sa BDP.

Sa ilalam ng Barangay Development program (BDP), ang bawat barangay na lalaya mula sa galamay ng NPA ay mabibigyan ng P20-milyong halaga ng proyekto gaya ng farm-to-market road; school building; health center; water sanitation at livelihood project.

Sa pamamagitan ng P28.1 billion budget sa 2022, aabot sa 1,406 barangay ang mabibigyan ng mga proyekto.

Ngayong October 21 ay bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Region 4-A (CALABARZON) upang personal na tignan ang resulta ng BDP itinuturing na flagship project ng pamahalang Duterte. Ang BDP ay pamalit na programa sa mga barangay na wala na sa ilalim ng pamamahala ng NPA at nangangailangan ng pag-unlad.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with