^

Bansa

Mga sementeryo sarado uli ngayong Undas 2021 dahil sa banta ng COVID-19

Philstar.com

MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na taon, hindi uli papayagang makabisita sa mga yumaong mahal sa buhay ang publiko dahil sa pagpapatuloy ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Ang anunsyo ay ibinigay ni Interior Secretary Eduardo Año, Martes ng gabi, kasabay ng ibinigay na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Sa paggunita naman po ng Undas ngayong November 1, ang IATF ay naglabas na ng guidelines na ipasasara ang lahat ng sementeryo, memorial parks, libingan, kasama na ang columbaria mula October 29 hanggang November 2, 2021," ani Año.

"Ang ating mga kababayan ay maaaring bumisita sa mga nasabing lugar anumang araw maliban sa nasabing panahon."

Sa mga araw na pwedeng dumalaw, tanging 30% capacity lang ang papayagan sa loob ng mga sementeryo at kailangan sumunod ng minimum public health standards ang lahat.

Inatasan naman ang mga local government units, Philippine National Police, baranggay tanod at public safety officers at auxillary units para tiyaking nasusunod ang mga panuntunan para sa kaligftasan ng lahat.

"Kinakailangan din magpasa ng ordinansa or executive order ang mga LGUs upang ito ay maipatupad nang maayos upang maging ligtas ang ating mga kababayan sa paggunita ng darating na Undas," dagdag pa ni Año.

Matatandaang isinarado rin ang lahat ng sementeryo sa paggunita ng Araw ng mga Patay taong 2020 para na rin makaiwas sa hawaan ng nakamamatay na COVID-19. Kalimitan kasing siksikan at dagsaan ang mga tao tuwing darating ang naturang okasyon taun-taon.

Kahapon lang nang umabot sa 2.3 milyon ang dinadapuan ng nasabing sakit, ayon sa huling tala ng Department of Health. Sa bilang na 'yan, 40,972 na ang patay. — James Relativo

vuukle comment

ALL SAINTS DAY

ALL SOULS DAY

CEMETERY

IATF

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with