_ngayon
^

Bansa

Appointees ni Duterte, ­Pharmally execs ­pinakakasuhan ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Appointees ni Duterte, ­Pharmally execs ­pinakakasuhan ng Senado
Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng komite na base sa kanilang partial findings, inirerekomenda nila na kasuhan ng anti-graft law at fraud sina dating Budget Undersecretary Christopher Lao at , dating PS-DBM chief Warren Liong.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Posibleng irekomenda ng Senate Blue Ribbon committee ang pagsasampa ng mga kaso laban kay dating presidential adviser Michael Yang, ­dating Budget Undersecretary Christopher Lao, dating PS-DBM chief Warren Liong at mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. kaugnay sa overpriced na COVID-19 medical supply.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng komite na base sa kanilang partial findings, inirerekomenda nila na kasuhan ng anti-graft law at fraud sina Lao at Liong.

Habang graft naman sa mga opisyal ng Pharmally na sina Twinkle Dargani, presidente ng kumpanya; Mohit Dargani, Corporate Secretary, director LInconn Ong at Krizle Grace Mago, head ng regulatory affairs.

Pinakakasuhan din ng komite ng falsification of public documents sina Liong, dating PS-DBM inspector Jorge Mendoza at kasalukuyng PS-DBM inspector Mervin Ian Tanquintic.

Nais din ng komite na kasuhan ng fraud sina Lao at Liong na kasalukuyang Overall Deputy Ombudsman.

Kasong estafa rin ang isasampang kaso laban kay Mago at Liong habang maari rin si Mago, Ong at Yang na kasuhan ng perjury.

Nakita rin ng komite sa preliminary findings ang paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act nina Yang , Ong, Dargani at Mago.

Isinusulong din ng komite ang pagpapadeport laban sa dating presidential economic adviser na si Yang.

Contempt

Samantala, pina-contempt naman ng komite ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani dahil sa kabiguan nila na magsumite ng mga dokumento na hinihingi ng panel.

Ang hakbang ay ginawa matapos na ­maghain si Senate Minority leader Franklin Drilon  ng mosyon para i-contempt sina Mohit at Twinkle na sinegundahan naman ni Sen. Francis Pangilinan.

Dahil dito kaya inatasan ng panel si committee director-general Atty. Rudy Quimbo na hilingin sa Senate Sergeant at Arms na ilagay sa kustodiya ng Senado sina Mohit at Twinkle.

Katwiran naman ni Twinkle na mayroong data privacy at bank secrecy law at corporation code ang kumpanya para sa paghingi ng komite ng ilang mga dokumento.

Kabilang naman sa mga dokumentong hinihingi ay ang subsidiary ledger ng kanilang kumpanya, sales invoice o official receipt at ang summary list ng kanilang sales.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with