_ngayon
^

Bansa

Alert Level System ipatutupad na rin sa labas ng NCR

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Alert Level System ipatutupad na rin sa labas ng NCR
Inihayag kahapon ni Presidential spokesperson Harry Roque na ngayon, Oktubre 20, 2021 sisimulan ang pagpapatupad ng Alert Level System na tatagal hanggang sa Oktubre 31, 2021.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Ipatutupad na rin ang COVID-19 Alert Level System sa labas ng National Capital Region, ayon sa Malacañang.

Inihayag kahapon ni Presidential spokesperson Harry Roque na ngayon, Oktubre 20, 2021 sisimulan ang pagpapatupad ng Alert Level System na tatagal hanggang sa Oktubre 31, 2021.

Iiral ang Alert Level 4 sa Negros Oriental at Davao Occidental.

Inilagay naman sa Alert Level 3 ang Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao del Norte, habang nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon ­Province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Davao de Oro, Davao del Sur at Davao Oriental.

Sa indoor dine-in services, 10 porsiyento lamang ang pinapayagan sa Alert Level 4;  30% sa Alert Level 3; at 50% sa Level 2, samantalang 100% sa Alert Level 1.

Pero agad ding nilinaw ni Roque na ang indoor dining ay para sa mga bakunadong indibiduwal lamang at lahat dapat ng mga manggagawa sa indoor dining ay bakunado rin.

Ang take-out delivery ay 100% kahit anong alert level.

Pinapayagan na rin ang mga fitness gyms, studios at  venues para sa non-contact sports ­exercises sa indoors pero dapat bakunado ang mga nasa gym at walang group activities. Ang venue capacity sa mga nabanggit na lugar ay 10% sa Alert Level 4; 30% sa Level 3 at 50% sa Level 2.

 

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with