_ngayon
^

Bansa

Paghahanda ng gobyerno kontra gutom, hiling itodo na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat ihanda ng gobyerno ang lahat ng kailangang pag-iingat at pagkilos para labanan ang nararanasang gutom ng milyun-milyong Pilipino na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ayon kay human rights lawyer at senatorial candidate Chel Diokno.

Ginawa ni Diokno ang reaksiyon matapos banggitin ng advocacy group na IBON Foundation sa ulat nito na marami pa ring Pilipino ang nagugutom dahil sa kawalan ng trabaho.

Sinabi ni Diokno na marami sa ating mga kababayan ang nakaranas ng kawalan ng hustisya noong panahon ng pandemya dahil sila’y na-lockdown sa mahabang panahon, na nakapigil sa kanila na maghanapbuhay para sa pangangailangan ng kanilang pamilya habang hindi naman sapat ang nakuha nilang tulong mula sa pamahalaan.

“Nasa ikalawang taon na tayo ng pandemya, sana naman natuto na ang ating gobyerno. Dapat naka­handa na ang safeguards at interventions ng gobyerno sa pagbibigay ng tulong sa maraming Pilipino upang hindi na sila muling makaranas pa ng gutom,” wika ni Diokno, ang senatorial bet ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KANP) Party na tumatakbo sa ilalim ng tiket ni presidential candidate Vice Pres. Leni Robredo.

Si Diokno ang pinuno ng Free Legal Assistance Group (FLAG), na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga biktima ng pang-aabuso at mahihirap na Pilipino.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with