^

Bansa

Booster shot sa healthcare worke rs, itinulak ni Duque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot para lamang muna sa mga healthcare workers ngunit inamin na hindi pa ito napapanahon.

“I am pushing for it. It’s just that our All Experts Group, they are all saying that we have to ensure that a bigger percentage of the population must receive the primary series of the vaccines,” paliwanag ni Duque.

Kung magbibigay na ng booster shots, maraming mga mamamayan na hindi pa nakakatanggap kahit ng isang shot ng bakuna ang mawawalan ng kanilang tsansa.

Bagama’t mataas na ang antas ng nagpabakuna sa Metro Manila, marami pa ring lugar sa labas nito ang mababa pa ang ‘vaccination coverage’ kasama na ang mga senior citizen at mga taong may comorbidities.

Una nang nagdesisyon ang DOH at mga advisers na huwag munang magbigay ng booster shots hanggang hindi pa tumataas ang bilang ng mga bakunado.

Kaalinsabay ito sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na bigyan ng booster shots ang mga healthcare workers at mga seniors at mga may comorbidities na naturukan ng Sinovac at Sinopharm vaccines.

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with