7,181 bagong kaso ng COVID-19 naidagdag sa Pilipinas; 6,889 kagagaling lang sa virus
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,181 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya't nasa 2,690,455 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 2,690,455
- Nagpapagaling pa: 82,411, o 3.1% ng total infections
- Kagagaling lang: 6,889 dahilan para maging 2,567,975 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 173, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 40,069
Pangamba ng karamihan vs COVID-19
-
Lumalabas na nasa 91% ng mga Pilipino sa ngayon ang nag-aalala pa rin pagdating sa pagkakahawa ng COVID-19, ayon sa pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Stations. Marami sa kanila, natatakot na titindi pa ang sitwasyon.
-
Kahapon lang nang akuin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad ng kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas. Ito'y dahil sapat naman daw ang pera ng gobyerno para bumili ng gamot para sa kabuuan ng populasyon.
-
Aabot na sa 23.53 milyon ang nakakukuha ng kumpletong doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas. Bahagi lang ito ng kabuuang 50.47 milyong dose ng gamot na naituturok na sa bansa simula pa noong Marso 2021.
-
Sumampa na sa 237.65 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.84 milyong katao.
— James Relativo
- Latest