_ngayon
^

Bansa

COVID-19 infections sa Pilipinas papatak na sa 2.68 milyon, ayon sa DOH

Philstar.com
COVID-19 infections sa Pilipinas papatak na sa 2.68 milyon, ayon sa DOH
Commuters queue for EDSA Carousel bus at Nepa Q-mart station in Quezon City on Oct. 11, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,615 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya nasa 2,683,372 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 2,683,372
  • nagpapagaling pa: 82,228, o 3.1% ng total infections
  • bagong recover: 25,146, dahilan para maging 2,561,248 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 236, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 39,896

Turok habang tulog? 

  • Nagbanta naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ayaw pa ring magpabakuna laban sa COVID-19, dahil kung hindi, maaari raw nilang "ipaakyat" ang bahay ng mga nabanggit para turukan sila ng gamot habang natutulog.

  • Iiksi naman sa apat na oras ang ipinatutupad na curfew sa Metro Manila simula bukas, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Aniya, 12:00 midnight hanggang 4:00 a.m. na lang daw ito ipatutupad dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaan.

  • Isa ang "economic scars" na iniwan ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas ang nakaka-"turn off" ngayon sa foreign direct investments sa Asia Pacific, bagay na tatagal hanggang sa susunod na dekada, ayon sa isang ulat.

  • Nakakuha naman na ng kumpletong COVID-19 doses ang nasa 23.36 milyong katao sa Pilipinas simula nang umarangkada ito nitong Marso. Bahagi lang 'yan ng kabuuang 50.06 bakunang naiturok sa bansa ngayon.

  • Umabot na sa 237.38 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.84 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with