^

Bansa

Isko-Doc Willie tandem, magdedeklara ngayon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Isko-Doc Willie tandem, magdedeklara ngayon
Magiging running-mate ni Maror Isko Moreno ang bantog na doktor na si Dr. William Tan Ong o mas kilala bilang Doc Willie Ong bilang bise-presidente.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Inaasahang opisyal nang magdedeklara nga-yong araw (Miyerkules) si Manila City Mayor Isko Moreno ng kaniyang kandidatura sa pagtakbong presidente sa 2022 election sa ilalim ng kaniyang partidong Aksyon Demokratiko.

Magiging running-mate ni Yorme ang bantog na doktor na si Dr. William Tan Ong o mas kilala bilang Doc Willie Ong bilang bise-presidente.

Ito ay makaraan ang pananahimik ni Moreno sa kaniyang mga plano at mga unang pahayag na tututukan muna ang pangangailangan ng mga taga-Maynila ngayong pandemya.

Kasunod ito ng pagka­kahalal niya bilang presidente ng Aksyon Demokratiko at paglipat nitong nakaraang Martes ng ilang politiko sa kaniyang partido.

Noong Lunes ay inamin din ni Mayor Isko na nakipagpulong din siya kina Vice President Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao para sa pag-iisa ng oposisyon ngunit wala pa umanong pinal na desisyon na naaabot.

Inendorso na rin ng mga grupo ng mga negosyante sa Maynila at grupo ng mga abogado si Moreno na tumakbo sa darating na halalan.

Si Doc Willie naman ay kilala sa kanyang walang humpay na pagtulong lalo na sa mahihirap at walang masuli-ngan kapag nagkakaro-on ng karamdaman.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with