^

Bansa

Nahawaan ng COVID-19 sa bansa tumuntong na sa 2.4 milyong katao

Philstar.com
Nahawaan ng COVID-19 sa bansa tumuntong na sa 2.4 milyong katao
A jeepney driver wearing a face mask to protect himself against the Covid-19 coronavirus drives along a street in Manila on September 7, 2021, a day before the authorities lift a stay-at-home order amid record infections fuelled by the contagious Delta variant.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 16,361 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Martes, kung kaya't nasa 2,401,916 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 2,401,916
  • Nagpapagaling pa: 171,142, o 7.1% ng total infections
  • Kagagaling lang: 21,974, dahilan para maging 2,193,700 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 140, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 37,074

Vaccine requirement sa pagbabalik ng physical classes?

  • Kaugnay ng napipintong pagbabalik ng face-to-face classes sa mga COVID-19 low-risk areas, tinitignan ngayon ng  isang asosasyon ng 2,500 pribadong paaralan ang pagre-require ng COVID-19 vaccination sa mga gurong harapang magtuturo sa kanilang mga paaralan sa gitna ng pandemya.

  • Pagdating sa pagbabalik ng pisikal na klase, umaapela naman ngayon ang ilang pribadong eskwelahan ng ayuda mula sa gobyerno sa gitna ng pagbaba ng kanilang enrollment sa 1.99 milyon ngayong Setyembre. Malayo 'yan sa 4.3 milyong enrollees na naitala bago tumama ang COVID-19. 

  • Aabot naman sa 561,600 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ang lumapag sa Pilipinas ngayong Lunes ng gabi, bagay na tutulong sa immunization efforts ng bansa. Ang mga naturang gamot ay bahagi ng donasyon ng COVAX Facility, isang global initiative na co-led ng World Health Organization (WHO).

  • Tinitignan ngayon ng Pilipinas ang posibilidad ng pagtatayo ng fill-and-finish facility para sa COVID-19 vaccines sa 2022, pagkukumpirma ni Food and Drug Administration director general Eric Domingo sa isang briefing na inere nitong Lunes ng gabi.

  • Umabot na sa 228.94 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.69 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with