^

Bansa

Danyos sa 50,000 pang rights victims muling itinulak sa ika-49 anibersaryo ng Martial Law

James Relativo - Philstar.com
Danyos sa 50,000 pang rights victims muling itinulak sa ika-49 anibersaryo ng Martial Law
A young girl lights a candle during a protest against the burial of the late dictator Ferdinand Marcos at the Heroes' Cemetery in Manila on August 18, 2016. Philippine President Rodrigo Duterte vowed to push through with the burial of deposed dictator Ferdinand Marcos at the national Heroes' Cemetery sparking protests from victims of martial law.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Bagama't halos limang dekada na ang nakalilipas, marami pang biktima ng human rights violation ng Batas Militar ang hindi pa rin nakakukuha ng danyos perwisyos — dahilan para muli itong itulak sa pamamagitan ng panukalang batas.

Nakabinbin pa rin kasi sa Kamara mula 2020 ang House Bill 7678 ngayong ika-49 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.  Layon ng panukalang magbigay danyos perwisyos sa mga biktima ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na wala pa ring reparations hanggang ngayon.

"This bill further recognizes and seeks reparation to the victims of  human rights violations during Marcos' time. It is also a way to compensate those who were not given compensation under [Republic Act] 10368," wika ng Bayan Muna party-list sa isang pahayag, Martes.

"About 60,000 whose claims were denied by the Human Rights Victims Claims Board (HRVCB) only 6,000 were able to exercise their right to appeal and acted upon by the HRVCB before it became functus officio. Thus about 50,000 of those who filed claims but were denied were not able to file their appeals before the HRVCB closed its office for various reasons."

Kung maisasabatas ang HB 7678, itatabi ang nasa P10 bilyong ill-gotten wealth ng mga Marcos (kasama ang accrued interest nito) mula sa perang nakuha ng Pilipinas mula sa December 10, 1997 Order of the Swiss Federal Supreme Court para pondohan ang naturang reparation ng mga biktima.

Aniya, ilan daw ang nakatanggap ng HRVCB resolution na nagde-deny ng kanilang claims matapos isara ng HRVCB ang kanilang tanggapan, kadalasan dahil sa postal delivery issues at pagpapalit ng tinitirhan.

Dagdag pa nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, may ilang claimants na nakakuha lang ng resolusyon noong tumingin na sila sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR).

Matatandaang umabot sa 70,000 ang ipinakulong ng Martial Law ni Marcos mula 1972 hanggang 1981, maliban pa sa 34,000 na tinorture at 3,200 na pinatay, ayon sa Amnesty International.

"The authors said that thousands of victims of human rights violations were not able to file their claims under RA 10368 due to various reasons," sabi ng grupo.

"It is high time that justice and compensation should be given to the victims of the Marcos dictatorship because they have suffered enough and should not be subjected to another injustice."

Trending No. 1 ang #NeverAgain habang isinusulat ang balitang ito kaugnay ng deklarasyong ibinaba ni Marcos noong ika-21 ng Setyembre, 1972.

Robredo: Ihayag katotohanan vs diktadura

Hinihikayat naman ngayon ni Bise Presidente Leni Robredo ang publiko na ipahayag ang katotohanan pagdating sa naturang madilim na yugto ng bansaa, sa dahilang maaaring madiktahan ng pera't kapangyarihan ang kasaysayan.

"Kapag nanahimik tayo — kapag hindi natin pinadaloy ang naratibo sa sari-sarili nating mga espasyo, pera at kapangyarihan ang magdidikta ng kasaysayan," wika ng ikalawang pangulo sa isang pahayag kanina.

"Kailangan nating ulit-ulitin, sa bawat pagkakataon, ang katotohanan: Sa ilalim ng rehimeng Marcos, nagdusa ang Pilipino."

 

 

Bukod kasi sa malawakang human rights violations, malaking kaban din ng bayan ang ibinulsa ng naturang diktadura.

As of 2017, lumalabas na nasa P171 bilyong nakaw na 'yaman na ng mga Marcos at kanyang mga cronyt ang nabawi na ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sa kabila nito, iginigiit ni Robredo na hindi pa lubos napagbabayaran ni Marcos ang kanyang mga krimen, lalo na't "patuloy ang pagpapakasasa ng kanyang angkan sa kayamanang ninakaw niya mula sa atin," dagdag ni Robredo na tumakbo laban kay Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagkabise noong 2016.

'Mga Marcos huwag pabalikin sa Palasyo'

Ilang Martial Law survivors naman ngayon ang nananawagan sa mga kapwa Pilipinong pigilan ang pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang. Dagdag dito, dapat din daw pigilan ang pananatili ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kilalang kaalyado ng mga Marcos, sa poder.

Una na lasing sinabi ni Bongbong, na anak ng diktador, na posibleng puntiryahin niya ang  isang national post sa eleksyong 2022.

"In the same way that the struggle of the people did not end with the downfall of the Marcos dictatorship, the campaign to stop Marcos and Duterte from returning to and staying in Malacañang continues, as a way to do justice for the Filipino people of the martial law generation and all other generations after Duterte," ayon sa human rights group na Karapatan.

Una nang binanggit ng isang paksyon ng PDP-Laban na tatakbo para sa pagkabise presidente si Digong, habang ninonomina namnan nila si Sen. Christopher "Bong" Go sa pagkapangulo next year.

Dati na ring nagdeklara ng martial law sa Mindanao si Duterte noon sa Mindanao noong Mayo 2017 matapos ang pag-atakeng inilunsad ng mga terorista sa Marawi City.

Bagama't napa-"laya" ang Marawi noon mula sa mga terorista ayon kay Duterte Oktubre nang taong 'yon, nagtapos lang ito noong Disyembre 2019 at umabot ng 953 araw — bagay na nagdulot din daw ng mga paglabag sa karapatang pantao, ayon sa mga progresibo. — may mga ulat mula kina Xave Gregorio at Gaea Katreena Cabico

vuukle comment

BAYAN MUNA PARTY-LIST

FERDINAND MARCOS

HUMAN RIGHTS VIOLATIONS

KARAPATAN

LENI ROBREDO

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with