^

Bansa

18,937 COVID-19 infections naitala ngayong araw, nagpatalon sa local cases sa 2.38-M

Philstar.com
18,937 COVID-19 infections naitala ngayong araw, nagpatalon sa local cases sa 2.38-M
Members of the Hijos del Nazareno check the vaccination IDs of devotees before entering the premises of the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila on Sept. 17, 2021 as they only allow fully-vaccinated individuals inside the church in line with the directive of the IATF under the new alert level quarantine classifications.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 18,937 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Lunes, kung kaya't nasa 2,385,616 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 2,385,616

  • Nagpapagaling pa: 176,850, o 7.4% ng total infections

  • Kagagaling lang: 20,171, dahilan para maging 2,171,832 na lahat ng gumagaling 

  • Kamamatay lang: 146, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 36,934

Face-to-face classes magbabalik na sa ilang lugar

  • Nasa 100 klase mula sa iba't ibang low-risk areas para sa COVID-19 ang tuloy na sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa basic education, pagkukumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque at Education Secretary Leonor Briones ngayong araw.

  • Aabot naman sa 319 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant ang naidagdag sa talaan ng Pilipinas, bagay na galing sa latest run ng sequencing nitong ika-18 ng Setyembre.

  • Bagama't pumalo sa 10,000 ang "nasayang" na COVID-19 vaccines simula Marso 2021, tiniyak naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pasok pa rin ito sa "acceptable" na 5% wastage rate na itinakda kada bansa ng World Health Organization (WHO).

  • Nadagdagan pa ng nasa 5 milyong doses ang suplay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas matapos lumapag ang mga karagdagang gamot galing sa mga kumpanyang Sinovac at Pfizer nitong Linggo.

  • Suportado naman ngayon ng Commission on Human Rights ang naunang pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. pagdating sa pagpraprayoridad sa mga healthcare workers pagdating sa COVID-19 booster shot (ikatlong dose) sa gitna ng pandemya, sa kabila ng kawalan pa rin ng rekomendasyon mula sa DOH.

  • Umabot na sa 226.84 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.66 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with