^

Bansa

310 COVID-19 deaths ngayong araw sa Pilipinas pinakamataas sa halos isang buwan

Philstar.com
310 COVID-19 deaths ngayong araw sa Pilipinas pinakamataas sa halos isang buwan
Members of the Hijos del Nazareno check the vaccination IDs of devotees before entering the premises of the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila on Sept. 17, 2021 as they only allow fully-vaccinated individuals inside the church in line with the directive of the IATF under the new alert level quarantine classifications.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 20,336 bagong infection ng coronavirus disease, Biyernes, kung kaya't nasa 2,324,475 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso 2,324,475
  • nagpapagaling pa: 188,108, o 8.1% ng total infections
  • bagong recover: 10,028, dahilan para maging 2,100,039 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 310, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa  36,328

Travel ban sa mga dayuhan mula 4 bansa

  • Ngayon naitala ang pinakamaraming single-day COVID-19 fatalities sa Pilipinas sa nakalipas na 27 araw. Huling mas mataas ang arawang bilang diyan noong ika-21 ng Agosto, 2021.

  • Pipigilan ngayon ng pandemic task force ng gobyerno ang pagpasok ng mga foreign travelers mula Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia sa Pilipinas mula ika-19 hanggang ika-30 ng Setyembre ngayong nailagay ang mga sumusunod sa "Red List" na siyang high risk para sa COVID-19.

  • Hindi mairerekomenda ng DOH ang pagpapaboto sa mga COVID-19 positive sa labas ng kanilang facilities at mga bahay sa eleksyong Mayo 2022, bagay na una nang plinano ng Comelec sa mga isolation centers sa bawat polling center. Aniya, pwede pa raw kasi itong pagmulan ng hawaan ng virus.

  • Aabot naman na sa 6.2 milyong residente sa Metro Manila ang kumpleto na ang doses ng COVID-19 vaccine, ayon kay Metropolitan Manila Development chair Benhur Abalos. Sinasabing nasa 63% na ito ng eligible population sa National Capital Region.

  • Inaasahan naman ng Pilipinas ang pagdating ng 1 milyong doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula Rusya ngayong buwan, na siyang single-dose lang ang kailangan para makakumpleto ng proteksyon sa tao.

  • Lumapag naman na sa Pilipinas ngayong araw ang nasa 661,200 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ninoy Aquino International Airport, Lungsod ng Pasay, bagay na binili ng pribadong sektor.

  • Kumpleto naman na ang bakuna ang nasa 80,809 kawani ng Philippine National Police (PNP) sa ngayon, bagay na kumakatawan sa 36.32% ng kabuuang 221,000 miyembro ng pwersa ayon sa hepe nilang si Police Gen. Guillermo Eleazar.

  • Umabot na sa 226.23 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.65 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with