^

Bansa

Namatay sa COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na sa 36,000, ayon sa DOH

Philstar.com
Namatay sa COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na sa 36,000, ayon sa DOH
A suspected Covid-19 patient rests in a parking lot turned into a covid ward outside a hospital in Binan town, Laguna province south of Manila on September 6, 2021, with record infections fuelled by the hyper-contagious Delta variant.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 21,261 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Huwebes, kung kaya't nasa 2,304,192 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 2,304,192
  • Nagpapagaling pa: 177,946, o 7.7% ng total infections
  • Kagagaling lang: 13,644, dahilan para maging 2,090,228 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 277, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 36,018

SC petition para magamit ang ivermectin vs COVID-19

  • Ngayon naitala ang pinakamataas na bilang ng single-day COVID-19 deaths (277) sa Pilipinas sa nakalipas na 23 araw. Huling mas mataas ang datos diyan noon pang ika-24 ng Agosto, 2021.

  • Dalawang miyembro pa ng Kamara (ANAKALUSUGAN party-list Rep. Michael Defensor at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta), na namimigay ng antiparasitic drug na ivermectin, at isang senador (Sen. Francis Tolentino) ang sumama na ngayon sa Supreme Court petition para iobliga ang state regulators na payagan na itong magamit laban sa COVID-19. 

  • Sa kabuuang 40.03 milyong doses ng COVID-19 vaccines na naiturok na sa Pilipinas, umabot na sa 17.67 milyong katao ang nakakukuha ng kumpletong bakuna laban sa virus.

  • Sari-saring student councils naman sa Metro Manila ang nanananawagan ngayon sa Commission on Elections para palawigin pa ang voter's registration. Pangamba nila, maaaring mailapit sa banta ng COVID-19 ang mga tao dahil sa siksikang dala ng paghahabol sa September 30 deadline, maliban na rin isyu ng voter disenfranchisement.

  • Umabot na sa 225.02 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.63 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with