_ngayon
^

Bansa

Wala ng checkpoints sa Alert Level 4 – PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Wala ng checkpoints sa Alert Level 4 â PNP
Sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na mas tututukan ng mga pulis ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Wala nang ilalagay na mga checkpoints sa National Capital Region matapos na ipatupad ang Alert Level 4 simula ngayon.

Sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na mas tututukan ng mga pulis ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.

“Wala na tayong checkpoint sa operation dahil narinig naman natin ng uniform naman itong Level 4,” ani Eleazar.

Dagdag pa nito na ang pagpapatupad ng granular lockdowns ay hindi bago sa kapulisan dahil sa 50 lugar sa ila­lim ng Metro Manila ang nasa naturang restrictive measure.

Sa ilalim ng Alert Le­vel 4, hindi pinapayagang lumabas ang 18 years old pababa at 65 years old pataas; may immunodeficiencies, comorbidities, health risks at buntis.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with