_ngayon
^

Bansa

Filing ng COCs gagawin sa hotel tent – Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Filing ng COCs gagawin sa hotel tent â Comelec
“The filing of the certificates of candidacy for national positions will be at Sofitel, at one of its tents,” ayon kay Comelec executive director Bartolome Sinocruz Jr.
File Photo

MANILA, Philippines — Sa halip na sa punong-tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), sa isang tent sa labas ng isang hotel sa Pasay City isasagawa ang pagsusumite ng certificates of candidacy (COC) sa Oktubre ng mga tatakbo para sa national positions sa darating na halalan sa Mayo 2022.

“The filing of the certificates of candidacy for national positions will be at Sofitel, at one of its tents,” ayon kay Comelec executive director Bartolome Sinocruz Jr.

Ikinatwiran niya na hindi tulad sa Comelec Office sa may Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila, magiging bukas ang mga pintuan ng tent, at may sapat na bentilasyon. Mayroon ding sapat na mga espasyo na hahatiin para sa mga tatakbo bilang pangulo, ikalawang pangulo, mga senador at party-list.

Ito ay bilang pag-iingat pa rin na magkaroon ng hawahan ng COVID-19 lalo na at sa mga nakalipas na okasyon ay ginagawang tila piyesta ang pagsasampa ng COCs ng mga kandidato.

Bibigyan naman ng Comelec ng awtoridad ang mga lokal na opisyal ng Comelec na pumili kung saan nila nais isagawa ang pagsusumite ng COCs ng mga lokal na kandidato.

Nakatakda ang pagsusumite ng COCs mula Oktubre 1-8 at ang ‘campaign period’ ay Pebrero 8-Mayo 7, 2022.

COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with