_ngayon
^

Bansa

COVID-19 case aabot sa 40K kada araw – UP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 case aabot sa 40K kada araw â UP
“Based on that projections, the numbers could still be increasing up to the end of September, early October and we might reach 30,000-40,000 cases per day, reported through RT-PCR testing,” ayon kay Professor Jomar Rabajante.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maaari umanong umabot ng hanggang 40,000 kada araw ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Setyembre o sa umpisa ng Oktubre dahil sa taas pa rin ng positivity rate sa mga nati-test na indibidwal, ayon sa University of the Philippines- COVID-19 Pandemic Response Team.

“Based on that projections, the numbers could still be increasing up to the end of September, early October and we might reach 30,000-40,000 cases per day, reported through RT-PCR testing,” ayon kay Professor Jomar Rabajante.

Hindi pa umano kasali rito ang mga hindi natutukoy na mga kaso at iyong mga natutukoy ng mga antigen test.

Naniniwala rin siya na mas dapat ang ‘granular lockdown’ sa bansa sa paglaban sa pandemya kaysa sa malawakang lockdown.

“Dahil sa granular lockdowns, matatarget talaga natin ang mga lugar na very high risk, very high number of clusters,” ayon pa kay Rabajante.

Ayon naman kay Dr. Guido David, ng UP-OCTA Research Group, bahagyang bumababa na ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila. Nasa 1.34 na lamang ang reproduction number kumpara sa 1.39 nitong nakaraang linggo.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring maihawa ng isang pasyente ng COVID.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with