_ngayon
^

Bansa

80% ng new COVID-19 cases sa NCR Plus 'mula sa iilang barangay lang' — DOH

James Relativo - Philstar.com
80% ng new COVID-19 cases sa NCR Plus 'mula sa iilang barangay lang' â DOH
Policemen check documents of motorists at a border check point in Marikina City, suburban Manila on August 6, 2021, after authorities imposed another lockdown to slow the spread of the hyper-contagious Delta variant and ease pressure on hospitals while trying to avoid crushing economic activity.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Bagama't nagsisitaasan ang bagong COVID-19 infections sa Pilipinas, ibinalita ng Department of Health na matatagpuan lang sa kakaonting lugar ang konsentrasyon ng bagong nahahawaan ng sakit sa punong rehiyon at mga katabing probinsya nito.

Batay sa spatio-temporal analysis ng DOH sa NCR Plus areas at ilang highly urbanized cities sa Metro Manila, nanggaling lang sa 11-30% ng barangays ang 80% ng bagong COVID-19 infections sa nakalipas na dalawang linggo, sabi ng kagawaran, Miyerkules.

Aniya, suportado ng datos ang maliliitang granular lockdowns na ipatutupad sa Metro Manila simula Huwebes, kasabay ng ilalargang pilot alert level systems kontra COVID-19 doon. Taliwas ito sa mga naunang lockdowns na ipinatutupad sa buong mga rehiyon at lungsod.

"Additionally, wide scale lockdowns might no longer be effective since data shows that the majority of Filipinos in NCR were mobile during the enhanced community quarantine on August 10 than the previous ECQ last April 2021 as more essential activities and workers were allowed," wika ni Health Undersecretary maria Rosario Vergeire kanina.

Una nang sinabi ng pamahalaang local government units (LGUs) na ang magdedesisyon kung ilalagay sa mahihigpit at maliliitang granular lockdowns ang mga piling lugar na may matitinding kaso ng COVID-19. Kasabay nito, DOH ang magdedesisyon linggo-linggo kung ilalagay sa Alert Levels 1-5 ang mga Metro Manila cities.

Dapat daw kasing hayaan nang makapagtrabaho ang mga nasa Kamaynilaan at mabuhay ang ekonomiya habang hinihigpitan na lang ang mga overwhelmed ang health systems.

Dagdag pa ni Vergeire, maaaring umabot sa 152,000 hanggang 330,000 active cases ng COVID-19 sa National Capital Region pagdating ng Setyembre 30.

"This is not cast in stone since lower case projections are achieved when we improve adherence to the minimum public health standards, reduce case detection to isolation time, and increase vaccination coverage even at lower or less restrictive community quarantines," wika pa ng DOH spokesperson.

Hinihikayat naman ngayon ng DOH ang mga LGUs na magsagawa ng mga active case finding, bilisan ang case detection to isolation at palawakin ang naaabot ng COVID-19 vaccines para mapababa ang hawaan.

Ngayong araw lang nang umabot sa 2.28 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, binawian na ng buhay ang 35,742 katao.

DEPARTMENT OF HEALTH GRANULAR LOCKDOWN NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with