^

Bansa

DOH: Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas lumundag na sa 2.26 milyong katao

Philstar.com
DOH: Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas lumundag na sa 2.26 milyong katao
Suspected Covid-19 patients rest in a parking lot turned into a covid ward outside a hospital in Binan town, Laguna province south of Manila on September 6, 2021, with record infections fuelled by the hyper-contagious Delta variant.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 18,056 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya't nasa  2,266,066 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso:  2,266,066
  • nagpapagaling pa: 177,670, o 7.8% ng total infections
  • bagong recover: 20,542, dahilan para maging 2,052,867 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 222, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa  35,529

Alert Level 4 sa Metro Manila

  • Ngayon naitala ang pinakamaraming bilang ng bagong namatay sa COVID-19 sa iisang araw lang (222) sa nakalipas na kalahating buwan. Huling ganito ang datos noong ika-30 ng Agosto, 2021.

  • Ibinaba na ang mas maluwag-luwag na "Alert Level 4" sa Metro Manila na siyang epektibo sa pilot implementation nito simula Huwebes. Dahil diyan, magbubukas na uli ang maraming establisyamento habang may laya ang mga local government units na magdesisyon pagdating sa mahihigpit na granular lockdowns.

  • Kasabay ng pagluluwag sa Kamaynilaan, iiksian na rin ang ipinatutupad na curfew dito mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. nang madaling araw.

  • Samantala, pinag-aaralan naman na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna ng "general adult population" laban sa COVID-19 simula Oktubre oras na magkaroon na ng stable na suplay ng gamot. Ito ang kanyang sabi sa isang taped speech na ipinalabas ngayong araw.

  • Nangako naman ng karagdagang 10 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang COVAX Facility sa Pilipinas, pagkukumpirma ng World Health Organization (WHO) kanina.

  • Kaugnay niyan, sinabi naman ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, na "unfortunate" at "unsatisfactory" ang kasalukuyang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa mga nakatatanda at bulnerableng grupong delikado mula sa nakamamatay na sakit.

  • Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 17.07 milyon ang nabibigyan ng kumpletong bakuna laban sa pathogen. Bahagi lamang 'yan ng kabuuang 39.14 milyong doses na naibigay na para sa sari-saring priority sectors. 

  • Umabot na sa 224.51 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.62 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with