_ngayon
^

Bansa

Health, labor groups nakulangan sa ayuda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dismayado ang labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at health group na Medical Action Group (MAG) na hindi nakakara­ting sa tao ang pondo para sa ayuda at pambili ng medical supplies dala na rin ng korapsiyon at kapaba­yaan ng administrasyon.

“Eto ang problema ngayon. Kulang na nga ng ayuda, marami ang walang trabaho, may trabaho man pero underemployed, kulang ang sahod, kulang ang oras ng pagtatrabaho. Nung nag-lockdown, kulang ang ayuda, hindi sapat. Iba-iba, magkakaiba ang listahan ng DSWD, LGU at barangay. Ang daming issues, maraming challenges para sa mga manggagawa lalong lalo na sa panahon ngayon – ang ating gobyerno especially ’yung nasa Executive department at sa Senado, nagkakagulo. Hindi sila magkasundo” paliwanag ni TUCP Spokesperson Allan Tanjusay.

Sinabi naman ni MAG Chairperson Dr Nemuel Fajutagana na, nakakabahala ang pinakabagong surge ng virus, sa 22,000 daily cases ay nakakatakot magkaroon ng pag-collapse sa healthcare system na sinundan pa ng mass resignation ng mga healthworkers.

“Napaka-ironic, tayo na bansa na kilala sa buong mundo bilang highest or the biggest supplier of nurses in the world and second biggest supplier of doctors in the world ay nagsa-suffer ngayon sa kakulangan,” dagdag niya.

Pinuna ni Fajutagana na nagagawa ni Pangulong Duterte na iutos na wala nang bidding sa pagbili ng bilyong medical supplies ngunit pagdating sa bene­fits ng health workers ay maraming rason.

Iginiit ng grupong Alliance of Labor Leaders for Leni Robredo at Labor Agenda na hindi na papayagan ng taumbayan na ipagpatuloy ni Davao City Mayor Sara ang kapalpakan ng kanyang ama, malinaw umano na kung ito ang mauupo ay parehas na kalbaryong 6 na taon din ang sasapitin ng mga Filipino.

AYUDA MAG TUCP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with