116 empleyado ng OCD nagpositibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ricardo Jalad.
Ito ang ibinahagi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, kung saan kabilang si Usec. Jalad sa 116 na tauhan ng OCD na nagpositibo sa RT-PCR test kamakalawa.
Ayon ay Timbal, kasalukuyan aniyang may mild symptoms si Usec. Jalad at naka-isolate, pero siya’y fully vaccinated at maayos naman ang kalagayan.
Hinihintay pa rin ng OCD ang resulta ng mga test sa 85 mula sa 214 nilang tauhan na nagpa-test kahapon.
Dahil dito, sinabi ni Timbal na pansamantalang isasara ang OCD Central Office hanggang August 30 para sa disinfection.
Gayunman, tuloy ang serbisyo ng OCD sa pamamagitan ng kanilang mga online channels at mga empleyado na naka-work from home.
- Latest