Esperon bumuwelta sa mga namumulitika sa pondo ng NTF-ELCAC

Ayon kay Secretary Hermogenes Esperon Jr., pawang “self serving” ang mga “political statements” ng mga kritiko upang makahikayat ng mga botante para sa susunod na darating na eleksiyon. Ang gobyerno at pribadong sektor ay nagsama na, sa pakikipaglaban sa Covid-19 na kinikilalang “clear and present danger.”
The STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni National Security Adviser at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman, Secretary Hermogenes Esperon Jr. ang mga kritikong nagsasabing ang pondo ng task force ay dapat ilagak na lamang sa laban sa Covid-19. 

Ayon kay Esperon, pawang “self serving” ang mga “political statements” ng mga kritiko upang makahikayat ng mga botante para sa susunod na darating na eleksiyon. Ang gobyerno at pribadong sektor ay nagsama na, sa pakikipaglaban sa Covid-19 na kinikilalang “clear and present danger.”

Aniya, ang pondo ay panlaban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) para sa katatagan at kapayapaan sa bansa na pinagsisikapang mangyari ng NTF-ELCAC sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa mga barangay na pineste ng teroristang-komunista, sa pamamagitan ng Barangay Development Program (BDP).

Paliwanag pa ni Esperon, hindi lamang pakikipaglaban sa Covid-19 pandemic ang hinaharap ng pamahalaan. Nandyan ang ekonomiya na dapat asikasuhin din, ang pakikipaglaban sa kriminalidad at ilegal na droga at maging sa pagbabantay sa West Philippines Sea.

Pinabulaanan din niya, na ang pondo ng task force para sa susunod na taon ay gagamitin ng Administrasyong Duterte upang panalunin ang mga manok nito sa susunod na halalan.

Show comments