_ngayon
^

Bansa

Lambda variant bagong banta sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lambda variant bagong banta sa Pinas
Ayon kay infectious disease expert Dr. Ront­gene Solante, na bagama’t hindi pa natutukoy sa Pilipinas, kumakalat na ang Lambda variant na unang natukoy sa Peru at sa iba’t ibang bansa.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isa na namang ba­ong variant ng COVID-19 na Lambda na inihaha­lintulad sa Delta ang magiging bagong banta sa Pilipinas na kaila-ngang makapagsagawa ng mga pamamaraan na huwag makapasok sa bansa.

Ayon kay infectious  disease expert Dr. Ront­gene Solante, na bagama’t hindi pa natutukoy sa Pilipinas, kumakalat na ang Lambda variant na unang natukoy sa Peru at sa iba’t ibang bansa.

Sa ngayon ay nananatili pa rin itong isang ‘variant of interest’ ngunit may potensyal na maging ‘variant of concern’ tulad ng Delta, Alpha, Beta, at Gamma.

“May potential siya na maging variant of concern dahil ‘yung mga mutations niya nakikita doon sa spike protein, medyo magkahawig din sa variant of concern,” paliwanag ni Solante.

Nauna rito, lumitaw sa mga laboratory ex-periments na ang mutations ng Lambda ay maaari ring labanan ang antibodies na pinoprodyus ng mga bakuna.

Ngunit hindi naman  magiging ganap na wa-lang silbi ang COVID-19 vaccines laban sa Lambda. Maaari umanong mabawasan ang bisa nito ngunit hindi naman tuluyang ma­wawala ang proteksyon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with