_ngayon
^

Bansa

116 bagong kaso ng Delta variant, natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
116 bagong kaso ng Delta variant, natukoy
Base sa resulta ng ‘whole genome sequen-cing’ ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), sa 116 bagong kaso ay 95 ang mga lokal na kaso, isa ang Returning Overseas Filipino (ROF), at 20 ang biniberepika pa.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 331 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas ma­ka­raang matukoy ang bagong 116 na kaso, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Base sa resulta ng ‘whole genome sequen-cing’ ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), sa 116 bagong kaso ay 95 ang mga lokal na kaso, isa ang Returning Overseas Filipino (ROF), at 20 ang biniberepika pa.

Sa 95 na lokal na kaso, 83 dito ay mula sa National Capital Region (NCR), tatlo ang mula sa Calabarzon, apat mula sa Central Visayas, da-lawa sa Davao Region at tig-iisa ang Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley at Ilocos Region.

Lahat naman ng mga bagong kaso na nadagdag ay pawang mga nakarekober na. Patuloy rin na kinukumpirma pa ang ibang mga detalye ng  mga pasyente.

Samantala, 113 ba­gong kaso rin ng Alpha variant ang nadagdag dahilan para maitala ang kabuuang kaso nito sa bansa sa 1,968.

Nasa 122 bagong kaso rin ng Beta ang na­tuklasan para maitala ang kabuuang kaso sa 2,268 habang 10 pang bagong kaso ng P.3 variant ang nadagdag.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with