_ngayon
^

Bansa

Sara ‘di interesado na maging VP si Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sara âdi interesado na maging VP si Duterte
Ito ang sinabi ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) secretary general Anthony del Rosario matapos ang lumabas na 2022 national elections survey kung saan lumalabas na mas marami ang pabor sa Duterte-Duterte tandem.
Karl Norman Alonzo/Presidential Phot

MANILA, Philippines — Hindi umano interesado si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pakikipag-partner sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 presidential at vice-presidential elections.

Ito ang sinabi ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) secretary general Anthony del Rosario matapos ang lumabas na 2022 national elections survey kung saan lumalabas na mas marami ang pabor sa Duterte-Duterte tandem.

Sinabi ni Del Rosario na dating Davao del Norte Governor at tagapagsalita ng HNP, isinara na nito ang pintuan sa naturang tambalan na nakakuha ng 28% support mula sa latest national elections survey ng OCTA’s Tugon ng Masa 2022 na halos katulad din ng resulta ng Pulse Asia sa kalagitnaan noong Hulyo na lumalabas na 23 % ang pabor sa tambalang Duterte-Carpio.

Iginiit ng tagapagsa­lita ng HNP sa isang pana­yam sa DZRh local station na dati nang binanggit ni Sara na hindi siya interesado at hindi niya nakikita ang Duterte-Duterte tandem.

Bagama’t susuportahan naman umano ng HNP si Pangulong Duterte kapag tumakbo bilang bise-presidente at ang mapipili niyang susunod na Pangulo subalit hindi ito manggagaling sa kanilang partido.

Lumalabas sa OCTA survey na si dating Senador Bongbong Marcos ang ikalawa na may 13%, sumunod si Manila Mayor Isko Moreno, 11% at pang-apat sina Senators Grace Poe at Manny Pacquiao na 10%, habang sina Vice Pres. Leni Robredo at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ay tabla sa ika-5 puwesto.

Sara ‘di interesado na maging VP si Duterte

Gemma Garcia

SARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with