_ngayon
^

Bansa

Delta variant kalat na sa 9 siyudad sa Metro Manila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Delta variant kalat na sa 9 siyudad sa Metro Manila
“Nine out of the 17 ci­ties in NCR are with Delta variant as of August 1,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala na ang Delta variant ng CO­VID-19 sa siyam na lungsod sa National Capital Region (NCR) may ilang araw bago ang implementasyon ng panibagong ‘enhanced community quarantine (ECQ)”, ayon sa Department of Health (DOH).

“Nine out of the 17 ci­ties in NCR are with Delta variant as of August 1,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na kabilang sa mga naturang lungsod ang Malabon na may apat na kaso na ng Delta variant; Makati na may tatlong kaso; San Juan na may dalawang kaso; Las Piñas na may 14 na kaso; Valenzuela na may isang kaso; Pasig na may anim na kaso; Mandaluyong na may dalawang kaso; Maynila na may 12 kaso; at Caloocan na may apat na kaso.

Batay sa datos ng DOH, sa kasalukuyan ang Pilipinas ay mayroon nang 216 kumpirmadong kaso ng Delta variant.

Kasabay nito, iniulat din ni Vergeire na ang NCR ay nakapagtala na rin ng average na 1,535 bagong kaso ng COVID-19 kada araw, mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2. Ito ay mas mataas ng 65% kumpara sa naitalang mga kaso noong nakaraang linggo.

Inilagay na ang Pateros at Malabon sa ‘critical risk classification’ dahil sa mataas na ‘two-week case growth rate’ at ‘average daily attack rate (ADAR)’.  Ang ibang parte ng Metro Manila maliban sa Marikina at Caloocan ay nasa ‘high-risk classification’.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with