_ngayon
^

Bansa

Tanggapan ng gobyerno bukas sa ECQ

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tanggapan ng gobyerno bukas sa ECQ
Sa inilabas na Memorandum Circular 87 ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea, nakasaad na upang matiyak na magpapatuloy ang serbisyo ng gobyerno magtatalaga ng skeleton workforce na hindi bababa sa 20% on-site capacity samantalang ang iba ay nasa work-from-home arrangements.
Screenshot of the Pre Sona forum

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na bukas ang mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region kahit pa nasa ilalim ng enhanced community quarantine simula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Sa inilabas na Memorandum Circular 87 ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea, nakasaad na upang matiyak na magpapatuloy ang serbisyo ng gobyerno magtatalaga ng skeleton workforce na hindi bababa sa 20% on-site capacity samantalang ang iba ay nasa work-from-home arrangements.

Pero ang mga ahensiya na nagbibiga ng health at emergency frontline services, laboratory at testing services, border control at iba pang kinakailangang serbisyo ay papayagan ang full on-site capacity.

Inatasan din ang mga pinuno ng mga ahensiya na magsumite ang miyembro ng kanilang skeleton workforce at arrangement upang matiyak na hindi mahihinto ang operasyon ng gobyerno.

Hinihikayat din ang mga tanggapan ng lehislatura, hudikatura at mga independent constitutional commissions at mga local government units sa NCR na i-adopt ang mga probisyon ng circular.

NATIONAL CAPITAL REGION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with