_ngayon
^

Bansa

Centralized registration system pinamamadali

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Centralized registration system pinamamadali
Vendors, delivery drivers and others who work at the night market in Divisoria, Manila wait for their turn to be inoculated with the COVID-19 vaccine on July 5, 2021.
STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinabibilisan na ni House Committee on Health chairman at Quezon Rep. Angelina Tan sa Department of Health ( DOH) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang “centralized registration system” para sa COVID-19 vaccination sa bansa.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Tan na sa ngayon ay wala pang centra­lized registration system sa bansa para sa mga nabakunahan na, at nakakaapekto ito sa usad ng bakunahan sa bansa.

Ibinunyag din ni Tan na may mga ulat siyang nakalap na may mga indibiduwal na nauna nang nabakunahan ng “China-made” na COVID-19 vaccine, subalit nakakaulit o nakaka-2 beses ng pagbakuna lalo na kapag gawang-Amerika ang available.

Iginiit ni Tan, na dapat nang kumilos ang DOH at DICT dahil baka dumami pa ang ganitong mga ulat.

Sagot naman ni DOH Sec. Francisco Duque III, na mayroon namang plano para sa centralized registration at ang DICT ang nakatutok dito.

Idinagdag pa niya na kailangan din makipag-ugnayan sa local government units (LGUs) para sa maayos na registration system at makabuo ng database system para sa “digital vaccination certification” lalo na at mahirap kung mga card lamang ang katibayan na bakunado na, at madali pang mapeke gaya sa Recto.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with