_ngayon
^

Bansa

Patay sa COVID-19 sa Pilipinas 28,231 na matapos pang madagdagan ng 90

James Relativo - Philstar.com
Patay sa COVID-19 sa Pilipinas 28,231 na matapos pang madagdagan ng 90
Vendors and other individuals working at the night market queue for their second dose of the Sinovac COVID-19 vaccine in Divisoria, Manila during the night vaccination program of the local government on Aug. 2, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,342 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya't nasa 1,619,824 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso 1,619,824
  • Nagpapagaling pa: 63,171, o 3.9% ng total infections
  • Kagagaling lang: 7,285, dahilan para maging 1,528,422 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 90, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 28,231

Anti-vaxxers magpro-protesta?

  • Magtatakda ng limitasyon sa bilang ng maaaring bilhan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City simula Biyernes bilang laban sa mga magtatangkang mag-"panic buying" o "hoarding" kasabay ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

  • Sa susunod dalawang linggo ng ECQ, pagbabawalan ng Philippine National Police (PNP) ang mga non-authorized persons outside of residence na maghatid-sundo ng mga essential personnel sa Metro Manila. 

  • Nabahala naman si Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Jacqueline Ann de Guia sa pahayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa paghahatid-sundo ng mga APOR. Aniya, hindi kasi makapaglilingkod ang mga nabanggit kung iba-ban ito lalo na't malamang ay "magkulang" ang public utility vehicles sa panahon ng ECQ.

  • Samantala, ibinahagi naman kanina ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na umabot na sa 9.82 milyon ang nababakunahan laban sa COVID-19 sa Pilipinas. Ang bilang na 'yan ay sinasabing bumubuo sa 9.01% ng populasyon ng bansa.

  • Binalaan naman ni Eleazar ang ilang Pinoy na nagbabalak aniya magprotesta laban sa libreng pagbabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19 ngayong buwan. Aniya, walang problema sa pagpapahayag at pagtanggi sa gamot, pero ibang usapan na kung mang-eengganyong palakihin ang public health crisis.

  • Umabot na sa 198.77 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.23 milyong katao.

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DELTA VARIANT DEPARTMENT OF HEALTH ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with